Tuesday, April 16, 2013

Status


Maulan pero daig pa sa binagyo ang pagmumukha ng lalaking lumabas sa pintuan ng katapat naming bahay. May dalang malaking teddy bear na may pulang ribbon sa leeg at kumpol ng chicharong bulaklak. Joke! Rosas 'yun, malamang sa malamang ay may isa na namang binasted na manliligaw itong si Ate Clara. Natatawa talaga ako sa tuwing makikita ko ang ganitong mga eksena. Nai-imagine ko si Ate Clara na humahalakhak sa tuwa habang nagta-tally sa whiteboard ng mga binasted niyang manliligaw. Pero alam ko, hindi gan'un kadali para sa kanya ang ganitong mga eksena.

Dala ng maagang pagkawalay sa ama, si Ate Clara na ang tumayong "bread winner" sa kanyang matanda ng ina. Meron din silang maliit na tindahan sa tapat kung saan madalas akong bumili ng Bazooka BubbleGum. Parang tipikal na "kwentong manang" na napapanuod sa tv ang kwento ni Ate, pero sana ay ganun na lang katipikal ang lahat, atlis may happy ending 'yun bida. Hindi naman gan'un ka-manang si Ate Clara. Ate lang ang tawag ko sa kanya para pa-sweet efek kumbaga, pero dalawang taon lamang ang tanda niya sa akin. Kung kagandahan lang naman, kartada diyes 'to! Maputi, matalino at malambing pa. Kung manyakis ako, liligawan ko na 'to eh! Kaso, sobrang bait niyang ate sa akin. Madalas ay sa akin siya kung magkuwento ng pagsubok ng buhay. Akala tuloy ng mga tsismosang kapitbahay ay kami ang magsyota.

Palagi niyang sinasabi sa akin ang mga pangarap niya para sa kanyang ina. Mga pangarap na dapat ang tatay niya ang tumutupad. Malaking responsibilidad ang isinampa niya sa sariling balikat. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung paano niya gagawin ang mga iyon, lalo't mag-isa lamang siya sa pagsubok. Naitanong ko kung may balak pa siyang mag-asawa, napansin ko kasi ang malaking tally board niya sa bandang kusina, joke! Pero sa tuwing itinatanong ko sa kanya ang mga bagay na iyon, ngiti lamang ang madalas niyang isagot sa akin at susundan ng buntong hininga. Bigla niyang sasabihin na "makapaghihintay naman 'yang lovelife na 'yan eh." Hihirit ako bigla ng "Ate, paano kung maiwanan ka na ng biyahe?"

Ang alam ko, nagkaroon naman siya ng mga ka-M.U. Ubod na siguro siya ng yaman sa mga mayayabang este mayayaman niyang manliligaw, pero madalas ay basted silang lahat. Marahil ay hindi nila maintindihan ang sitwasyon ni Ate Clara. Ramdam ko sa kanya ang pag-iisa, ang kakulangan sa kanyang sarili, ang pagod sa buhay. Humahanga ako dahil kinaya niyang iisang-tabi ang pansariling kaligayahan para sa ina. Inaaliw ang sarili sa piling nito. Hihirit ulit ako ng "Ate, ba't ayaw mong subukan? Hindi mo naman siya pababayaan." Sagot niya, "Sana nga ay ganun lang kadali ang umibig, subok lang ng subok. Pero may damdamin tayo, nasasaktan at napapagod." Hindi ako nakaimik sandali. Palihim niyang pinunasan ang tumulong luha sa mata at biglang tumawa ng malakas. Hirit ulit ako ng tanong na "Ate, paano kung mawala na ang lahat, at maiwan ka ng mag-isa?"

Medyo maulan pa rin at ilang buwan ng hindi kami nakakapag-kwentuhan ni Ate Clara. Hindi ako mapakali sa bahay kaya naisipin kong mag-internet sa kanto. Nagulat na lang ako ng buksan ang profile ni Ate Clara. Nagbago ng status. <*ngiti*> Natakot siguro sa sinabi ko.




6 comments:

  1. Thank you for joining Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
  2. Kabitin naman, dapat tinuloy mo na yung status XD, hula ko "In A Relationship" na si ate, hehehe. Napaisip un kasi madalas mong tanungin ng eksena na kung pano kung maging mag-isa nalang siya XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa iyong pag-iiwan ng komento. Malay natin at ang buhay ni Ate Clara ay hindi pa magtatapos dito. :)

      Delete
  3. Wow nice blog! ang ganda I thought I was there hahaha one of the tsismosang kapitbahay

    ReplyDelete
  4. siguro si Ate.Clara may boyfriend sa malayo pero hindi nya kayang lokohin yung boyfriend nya kaya binabusted nalang nya yung mga nanliligaw sakanya. ganyang ang talaga ang mga Pinoy tapat :D

    ReplyDelete

Ang iyong opinyon ay mahalaga. Sabihin at ipahayag ang iyong saloobin. Maaari kang magpadala ng personal na mensahe, ang aking email ay talesfromtheblogzone@gmail.com