Tuesday, August 6, 2013

Great Wall of China


Sabi ko,

Kaibigan lang ako...
Parang kapatid lang ang turingan natin...
Hindi ako maiinlab sa'yo...
Hindi tayo talo...


Ano ba'ng problema mo? Ay, ako pala... Ano ba'ng problema ko? Sabi ko naman huwag kang masyadong magdidi-dikit sa akin eh... Ayan tuloy, kinain ko na naman ang lahat ng sinabi ko...

Sabi ko naman eh ganito lang tayo. Eh 'bat naiinlab na ako sayo. Para ka kasing tomboy. Astang lalake. Parang one of the boys lang. Pero ang ganda mo, kaya hindi ka "tibash." Hot ka nga para sa akin. Lol. Ewan ko ba sa Ex mong mukhang paa, kung 'bat ka nya iniwan. Ambait mo naman. Ano pa bang hahanapin n'ya sa isang tulad mo. Kung ako lang s'ya, hindi na kita pakakawalan. Hindi na kita sasaktan pa. Ikaw ang reyna ng palasyo ko, at ako syempre ang hari. Ikaw ang una sa wishlist ko (banat kung banat!).

Bukod pa 'dun, napaka-masayahin mo pang babaita ka! 'San mo ba kinukuha 'yang mga jokes mo? Bentang benta sa akin eh. Jokes na kahit ang pinaka masungit na tao ay mapapautot sa kakatawa. Talentado ka, pwede kitang pagkakitaan 'dun sa talentadong pinoy ah!

Madalas mo pa akong i-text. Hindi ka ba nauubusan ng load? Pasaload naman d'yan minsan. O kaya all-text lang, masaya na'ko dun. Yeah! Nakakapagod na sa thumb ang kakadutdot sa screen ng phone ko. Tapos demanding ka pa kung hindi ako magreply! Aba, wala akong panload ng madalas, 'di gaya mo. Tapos magpoporward ng kowts, kung hindi nakakatawa at makadiyos, love kowts madalas! Umaga, may good morning kowts ako, sa gabi, may goodnight kowts parin! May "mwah" pang kasunod. Ano ka ba, nagpaparamdam? Prangkahin mo na kaya ako? Na sabihin mong "Ano ba? Ligawan mo na ako!","Come and get me!" Syempre, ilusyon ko lang yun at asa ako na gagawin mo yun. Dahil kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Sa amin. Bwisit yan oh!

Tapos manghihingi hingi ka ng payo. Anong tingin mo sakin? Tarot cards? Bolang kristal? Kelangan mo muna akong himasin ng pabilog-bilog para gumana? Palage mo nalang akong hinihingan ng payo. Feeling ko tuloy ang talino kong tao. Sinasabi mo sa akin na nalulungkot ka, nag-iisa, masaya, natatae, nagugutom, inaantok chenes cheverlu... lahat. Kulang na lang pati paliligo mo, i-kwento mo na sa akin. Payo, payo, payo... nang iniwan ka ng ex mong mukhang paa, nakita kitang umiyak. Rebound ako. 'Nun natanggap ka sa trabaho mo, nilibre mo pa ako sa Angel's Burger, ang masama, buy 1 take 1 lang, tag-isa pa tayo. Ang kuripot mo. Pero mayaman ka sa kaibigan, kami 'yun.

Nakakainis ka na. 'Wag ka na magdidi-dikit sa akin. Pero ayaw kitang pabayaan. Ayokong malingat ng ilang sandali ng hindi ko nakukumusta kung ok ka ba. Masaya naman ako kahit may Great Wall of China na nakaharang sa pagitan nating dalawa. Ganun talaga. Enjoy na lang natin ang isa't isa. Hindi ako naghahangad ng malaki, kahit hinahawakan mo ng madalas ang kamay ko sa tuwing kasama mo ako. Ang pogi ko sa tuwing katabi kita. Sana hindi nalang ako naiinlab sa iyo, para hindi na ito matapos. Ganun kasi yun eh, 'pag nagka-aminan na nang nararamdaman, nag-iiwasan na. Ayoko... Hindi mo mahahalukay sa hypothalamus ko ang tunay na pagmamahal ko sa'yo. Sige, ipagpatuloy mo pa 'yang pagka-sweet mo, titibagin ko na talaga ang Great Wall of China ng pagkakaibigan natin. Makita mo...




Oo na. Na-friendzoned ako. Letse. Pero gusto ko rin sa isang banda.





***

4 comments:

  1. nyahahaha, namiss ko mag basa ng post mo..

    Henny waste, oi in a way nakakarelate ako ha :D kakabanas yung ganyan. pero wala tayo magagawa walang gusto tumibag sa pader ah...

    ReplyDelete
  2. Wahhhh ngayun ko lang natapos basahin. May ganito din pala sa lalaki? Homaygad! Pag ang babae gumaganyan di lang kaibigan habol nyan. Trust me.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayiiiieee hoy! dahil galing na kay Phiox yan ibig sabihin may future... Go na boy!

      Delete
  3. ang kyut neto.. naaalala ko bf ko...:D

    ReplyDelete

Ang iyong opinyon ay mahalaga. Sabihin at ipahayag ang iyong saloobin. Maaari kang magpadala ng personal na mensahe, ang aking email ay talesfromtheblogzone@gmail.com