Sunday, February 2, 2014

Para Kay K


Kung masaya ka, masaya na rin ako.

Shit. Iyon na ang pinaka-plastik kong nasabi sa tanang buhay ko. At hindi ko na uulitin pang sabihin ang mga bagay na iyon. Madali lang bigkasin, pero kumukurot sa dibdib. Ang katotohanan ang patuloy na sumusugat sa damdamin kong pilit kumukubli sa ngiting ipinaniniwala ko sa ibang tao. Ang pagkatao kong matapang ay nadudurog sa kaloob-looban. May kung ano sa akin ang nagnanais sa isang bagay, ngunit pinipigilan ng isang pansariling dahilan, dahilan na para sa akin ay tama, dahilan na ako lamang ang nakakaalam.

Mabuti na rin at nangyari ang mga bagay na ito. Napatunayan ko na hindi na kami naglolokohan ng sarili ko, hindi tulad ng dati na pareho kaming nagbobolahan. Nagkakailaan ng nararamdaman sa isa't isa. Iba ang sinasabi ng puso sa kinokontra ng matalino kunong utak na nagdidikta nang pagiging ideyal ng isang pagkatao. Karuwagan man o pagpapa-ubaya, sino ba naman ako na ipagkait ang ikaliligaya ng iba? Lalabas na panggulo ako sa eksena. Sumisiksik sa mundo na pinupuno mo na nang mga taong nais mo lamang makasama. Isang party na nakaplano na ang mga guest. Minsan hindi ko maiwasang isipin sa sarili ko kung nababaitan ka lang sa akin at ayaw mo akong saktan. Naiisip ko lang na paraan ang pag-iwas, kung hindi, magkakagalit at maglolokohan na naman kami ng sarili ko, at ibabalik at magpapanggap na walang nagbago. Iisipin na kaya mo rin akong mahalin kahit na iba ang pinili mo.

Ngunit ako'y nagpapasalamat sa lahat. Ang mga alaala mong nagparamdam sa akin ng pagpapahalaga ay siyang aking itatago hanggang sa huli. Ang iyong boses na hindi maglalaho sa aking pandinig. Ang iyong mga mukha na hindi kukupas sa aking alaala. Masaya ako at nakilala rin kita. Sana ay ganun ka rin sa akin.

"Kung pag-ibig man ang iyong ibinigay, ay pag-ibig rin ang iyong matatanggap."

Shit. Labas na naman sa ilong ang statement na iyon. Nagpakatotoo lang naman ako sa sarili. Nakakapagod. Ilang beses na akong binigo ng nakasulat na iyan sa itaas. Saka na lang ako magpapatuloy. Alam ko pa ba ang mga sinasabi ko?

Sorry.



2 comments:

  1. Anuberrr.... ang lungkot naman nito paps. True to life ba itey? tara, pagusapan natin yan sa chatroom!

    Ganito ba talaga ang epekto ng buwan ng pag-ibig sa ating mga sawi ang puso? (ansaveh!?)

    cheer up!

    ReplyDelete
  2. usapang pagibig? nyahaha ipaorasyon kay notnot lolz.

    ReplyDelete

Ang iyong opinyon ay mahalaga. Sabihin at ipahayag ang iyong saloobin. Maaari kang magpadala ng personal na mensahe, ang aking email ay talesfromtheblogzone@gmail.com