Sunday, December 1, 2013

[Tips And Guides] How To Pass The Philippines Civil Service Examination


= = 2014 Civil Service Examination Calendar = =
click [ here ] to view
=======================================================================
Gusto kong ishare sa inyo ang mga ginamit kong reviewers para sa pagsusulit upang makatulong. Maaari ninyong idownload ito. Click the download button. (168.09mb)
http://www.mediafire.com/download/vmt5atddhzz8mz9/Civil%20Service%20Examination%20Reviewers.rar 
**credits to the owner of this reviewers
**hindi po akin ang mga reviewers na ito, nakuha o na-download ko lamang ito sa internet at hindi ko na maalala kung saang site ko ito nakuha
=======================================================================
[UPDATE] January 21, 2014
Nakuha ko na ang aking Certificate of Eligibility para sa CSC-PPT Professional pagtapos ng 3 buwan. Medyo nadismaya ako sa size ng certificate, medyo maliit lang siya. Lol, first time ko lang kasi pero kahit magkaganun man ay sobrang nagpapasalamat ako at natapos na rin ang unang hakbang na ito. Ang susunod siyempre ay ang pag-hahanap ng trabaho.


Paano ma-claim ang inyong Certificate of Eligibility?

1. Kung pumasa, makipag-ugnayan sa inyong CSC Regional Office kung saan kayo nag-apply/kumuha/nasasakupan ng inyong Civil Service Exam. Itanong kung available na ba ang mga certificates. Narito ang kumpletong lista ng mga CSC Regional Offices at Field Offices.

2. Siguraduhing magdala ng isang valid I.D. at photocopy nito (back-to-back) at isang passport size photo na kapareho ng isinubmit ninyo 'nun kumuha kayo ng examination.

3. Pagkarating sa opisina, may mga ilan pang mga papeles na dapat kayong punan. Mga ilang impormasyon lang naman at thumbmarks. Magdala ng bolpen. Huwag ding kalimutang dalhin ang inyong test permit. Pagkatapos ng lahat ay makukuha mo na ang iyong certificate. Depende sa ibang mga regional offices, nagkakaroon ng mahabang pila dahil sa dagsa ng mga tao.

 4. Isang beses lamang daw ini-issue ang Certificate of Eligibility, kaya ingatan! Kung sakaling ito'y maiwala ninyo ay maaari kayong mag-request ng "certification" sa CSC pero hindi na ito tulad ng orihinal na CoE.

5. Huwag ibigay ang orihinal na kopya ng inyong CoE sa mga agencies na gustong aplayan. Maaari din kayong mag-request ng authenticated photocopy ng inyong CoE sa inyong CSC Regional Office.

*CoE: "Certificate of Eligibility"

=======================================================================
Dec. 1, 2013

Ang Civil Service Examination o “Career Service Exam” sa ibang termino ay ang pagsusulit na isinasagawa ng Civil Service Commission upang malaman ang mga kwalipikadong indibidwal o may mga potensyal na makapasok bilang kawani ng gobyerno. Dito nalalaman kung ikaw ba ay karapat-dapat na maging isang manggagawa ng serbisyo publiko ng pamahalaan.

http://excell.csc.gov.ph/cscweb/cscweb.phpIlan sa mga benipisyo ng pagsusulit na ito, kung maipapasa mo man ay ang pagkakataon na makapasok at makapagtrabaho sa ahensya ng gobyerno, bilang isa ang pagkakapasa sa Civil Service Examination sa mga kinakailangan na kwalipikasyon. Kung ikaw naman ay kasalukuyan nang nagtatrabaho sa anumang ahensya ng pamahalaan, ang pagiging eligible sa Civil Service Examination ay pagkakaroon mo ng pagkakataon na makuha ang inaasam mong promotions, maitaas ang iyong kasalukuyang sweldo at maging regular sa iyong posisyon.

Hindi madali ang pagsusulit na ito. Marahil ang ilan sa mga kumuha na nito ay masasabing hindi ito madaling ipasa. Nitong Oktubre lamang ay mahigit 11.74% lamang ang pumasa sa Professional at 11.64% naman sa Subprofessional [mula sa CSC]. Mababa man pero huwag tayong mawalan ng pag-asa, lalo sa mga ilang ulit nang kumukuha ng pagsusulit na ito.

Ang inyo pong lingkod ay kumuha rin ng pagsusulit na ito nitong nakaraang Oktubre ng taong ito, at pinalad naman tayo na makapasa sa unang subok lamang (Professional). Masasabi kong ayon sa aking karanasan sa pagsusulit na hindi nga ito madali. Kaya upang maibalik ang natanggap kong biyaya na ito, nais kong ibahagi sa lahat ang aking mga karanasan bago ang pagsusulit, sa aktwal na petsa ng pagsusulit at pagkatapos. Nais ko ring ibahagi dito ang ilan sa aking paghahanda, tips at mga sariling opinyon upang makatulong sa pagtaas ng tsansa na maipasa mo ang iyong Civil Service Exam.

Paghahanda sa mga nagnanais kumuha ng pagsusulit

Mahalaga na handa ka sa lahat ng bagay na ginagawa o gagawin mo. Sa paghahanda, naiiwasan mo ang pagkakamali at nakakatipid ka ng oras sa iyong sarili. Kung napagpasyahan mo na sa iyong sarili na kumuha ng pagsusulit na ito, maari kang kumuha ng Application Form For Civil Service Examination sa tanggapan ng Civil Service Commission o sa mga branches nito sa inyong lugar. Maari ka rin magtungo sa kanilang website na www.csc.gov.ph upang madownload ang Official Application Form.


Punan ng tama at tapat ang bawat patlang at tanong sa Application Form. Nahahati sa dalawang (2) kategorya ang pagsusulit: Professional at Sub-Professional.

Maiging ihanda ring MABUTI ang apat (4) na kopya ng iyong larawan na may sukat na 4.5x3.5cm o passport size na mayroon pangalan ninyo sa bandang ibaba at pirma sa itaas ng inyong pangalan. Mahalaga ang mga larawan na ito dahil ito ang mga ilalagay sa ilang mga dokumento sa aktwal na petsa ng pagsusulit. Maging presentable sa larawan.

Halimbawa ng larawan

Ihanda rin ang inyong valid ID at photocopy nito, pati ang inyong Examination Fee na P500.00 pesos. Magtungo lamang sa website ng Civil Service Commission para sa kumpleto pang detalye.

Pagkatapos maisumite ang lahat ng dokumento at maibayad ang inyong Examination Fee, kayo ay bibigyan ng Examination Permit, na lubhang mahalaga dahil ito ang magsisilbing katibayan na maaari ka ng kumuha ng pagsusulit. Ito ay inyong dadalhin sa mismong petsa at lugar ng pagsusulit at ipapakita sa proctor upang makakuha ng exam.

Sa aktwal na petsa ng pagsusulit, dalhin din ang inyong valid ID na kapareho na isinumite ninyo sa CSC. Mahalaga na ihanda din ang mga sumusunod:
  • Examination Permit (huwag kalimutan)
  • Dalawang (2) lapis. Ito ang gagamitin ninyo sa pagshade ng mga bilog sa aktwal na Answer Sheet. Maaaring isa lang ang dalhin na lapis pero kung sakaling magkaaberya ay maige na dalawa ang iyong lapis para may reserba. Pumili ng magandang uri ng lapis, yung hindi nababali kaagad upang makatipid sa oras habang nagsasagot. Magdala rin ng pantasa at pambura. (Kung Computer-Assisted Test ang iyong kinuha, hindi mo na kailangan ng lapis)
  • Isang bolpen para sa pagpirma ng ilang mga dokumento sa aktwal na pagsusulit.
Paghahanda bago ang pagsusulit

Para sa akin, ito ang parte na pinakamahalaga sa lahat. Ang paghahanda ng iyong sarili bago ang aktwal na pagsusulit. Kung maaga ang iyong pag-aaply at pagsusumite ng mga dokumento at nakakuha ka na kaagad ng permit ay magkakaroon ka ng mahabang panahon ng paghahanda, bagay na importante at lubhang kailangan mo. Kaya mahalaga na mag-apply ng maaga. Bumisita ng malimit sa website ng CSC upang updated sa mga schedule ng application for the exam.

1. Magreview ng mabuti. Ito ang paghahanda na lubhang napakahalaga para sa akin. Kung malaki na ang tiwala mo sa iyong sarili at hindi ka na nagreview, siguraduhin mo lamang na ipapasa mo ang pagsusulit. Palagay ko ay ito ang isang factor kung bakit bumabagsak ang ilan, dahil hindi o kulang ang kanilang paghahanda (o masyadong kampante).  Seryosohin ang pagrereview. Maraming nakasalalay sa pagsusulit na ito. Upang makapasa, kailangang pamilyar ka sa scope ng exam nang pinili mong kategorya.
Professional – In English and Filipino; vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, analogy, logic and numerical reasoning, general information on Philippine Constitution and Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713)

Subprofessional - In English and Filipino; vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, spelling, clerical operations, and numerical reasoning and general information on Philippine Constitution and Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713)
Ayon sa aking karanasan sa aktwal na pagsusulit, ang pinakamarami at pinakakukunsumo ng malaki sa iyong oras ay ang English part, pangalawa ang Math. Tandaan, sa aktwal na pagsusulit ay kalaban mo ang oras. Tutukang maige ang mga part na ito

2. Magpractice magsagot ng mga tanong at magsaliksik ng iba pang impormasyon. Bumili ako sa National Bookstore ng isang reviewer para sa CSC Exam. Para sa mga una pa lamang kukuha ng pagsusulit na ito, maipapayo ko rin na atleast mayroon kang reviewer para maging pamilyar ka sa mga tanong na maaari mong makita sa aktwal na pagsusulit. Okey din ang ibang reviewer kasi depende naman yun sa gagamit, pero pinili ko ito kasi may free reviewer na din sa likod ng general information on Philippine Constitution and Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713). Kahit medyo mahal eh, worthy naman para sa akin. 

Subukan mong sagutan ang ilang mga tanong sa iyong reviewer. Orasan mo rin ang iyong sarili habang nagsasagot upang malaman mo kung saang part ka kumukunsumo ng pinakamatagal na oras.Mahigit 160 items ang pagsusulit sa loob lamang ng 3 oras. Maging pamilyar sa ilang mga termino, tulad ng PEMDAS, subject-verb agreement etc. Sa pamamagitan ng pagpapraktis nito, narerebyu ka na at nasasanay pa ang iyong isipan sa pagsagot under pressure. 

Huwag makuntento sa isang reviewer lamang, sapagkat hindi naman nito masasakop ang lahat ng aspeto. Kung mayroon kang oras, maaari kang magbasa ng iba pang libro na may parehong scope ng iyong examination, tumingin sa mga blogs at articles sa internet ng mga lessons, o kaya ay mag download ng mga reviewers online. Kasya namang lagi kang online sa Facebook, gamitin ang mga libreng oras sa pagbabasa ng mga impormasyon. Makakakuha ka ng mga ekstrang ideya sa pagbabasa na maaari mong magamit sa aktwal na pagsusulit. Gamitin ang internet ng maayos.

Kinaiinisan mo ang Math? Wala tayong magagawa kundi mahalin ito, at isa-puso ang bawat lesson ng Math. Balikan ang ilang mga lesson ukol dito, tiyak na uubos din ng oras mo ang pagsolve ng mga problems sa actual examination. Ako, 30 mins na lang ang natitira sa oras, nasa Math portion pa rin ako. :)

  • Siguro nakatulong din sa akin ang pag-inom ng mga brain vitamins. Naalala ko ang aking mga ni-review at wala naman sigurong masama kung susubukan. Glutaphos o MemoPlus.  

=======================================================================
Gusto kong ishare sa inyo ang mga ginamit kong reviewers para sa pagsusulit upang makatulong. Maaari ninyong idownload ito. Click the download button. (168.09mb)
http://www.mediafire.com/download/vmt5atddhzz8mz9/Civil%20Service%20Examination%20Reviewers.rar 
**credits to the owner of this reviewers
**hindi po akin ang mga reviewers na ito, nakuha o na-download ko lamang ito sa internet at hindi ko na maalala kung saang site ko ito nakuha
========================================================================

Kung gumagamit ka ng Android phone, maaari mong idownload ang application na ito.

3. Magkaroon ng sistematikong schedule ng pagrereview. Mahirap man sa ilan dahil hindi natin hawak ang ating oras ay kahit papano sana ay magkaroon tayo ng sapat na oras sa pagrereview, hindi iyon ma-tripan lamang tsaka magrerebyu. Alalahanin mo, ang kawalang handa ay isang dahilan kaya bumabagsak ang ilan. Kahit isa o dalawang beses kada araw na pagrerebyu ay sapat na, ipalagay nating mahaba pa ang iyong panahon. Iwasan ang magahol sa pagrerebyu. Mas lalo mo lamang makakalimutan ang mga inaral mo kung minadali mo lamang itong binasa. Iwasan din ang pagpupuyat dahil sa pagrerebyu. Masama sa katawan ang pagpupuyat at wala namang mabuting maitutulong ito sa iyong pagkatuto.

4. Magkaroon ng mabuting pananaw sa sarili. Hindi natin maiiwasan na makaramdam tayo ng kaba sa papalapit na pagsusulit. Nariyan na maiisip mo kung kakayanin mo bang ipasa ang pagsusulit na ito, o 'di kaya ay paano kung bumagsak ka dito. Ano-ano ang mga posibleng tanong at marami pang agam-agam na iyong maiisip. Iwasan ang pag-iisip ng negatibo. Wala namang mabuting idudulot ito bagkus ay ibababa lamang nito ang kumpiyansa at tiwala mo sa iyong sarili. Magkaroon ng positibong pananaw sa darating na pagsusulit. Isipin na kaya mo ito! Kayang kaya mo!

Kumain ng tama, mag ehersisyo upang maging maayos ang daloy ng dugo sa katawan at iwasan ang stress. Sa ganitong mga paraan, makapagrerebyu ka ng maayos, mas natututo o mas nare-retain ang mga pinag-aralan mo at tumataas ang kumpiyansa sa sarili. Kailangan mo iyan sa darating na pagsusulit.

5. Humingi ng suporta sa mga dating kumuha na ng pagsusulit. Hindi naman masama kung magtatanong ka sa mga dati ng pumasa sa CSC Exam kung anu-ano ang mga dapat gawin.

6. Kung may panahon, puntahan ang venue na nasa permit mo. Nasabi ko ang bagay na ito kasi sa venue ng pagsusulit ay magpapaskil sila ng mga pangalan ng mga kukuha ng pagsusulit at ang room number na naka-assign sa inyo. Kung may oras naman kayo, bakit hindi kayo sumaglit muna sa venue at i-check kung may nakapaskil nang mga pangalan upang malaman ang inyong assigned room number. Sa ganitong paraan, hindi kana magagahol o maghahanap pa sa mismong petsa ng pagsusulit kasi maaga mong nalaman ang iyong room.


Paghahanda sa gabi bago ang pagsusulit

1. Relax. I-relax ang iyong sarili bago ang pagsusulit. Matulog ng maaga at iwasan ang magpuyat pa sa pagrerebyu.

2. Ihanda na ang mga dapat dalhin. Ang iyong test permit, lapis at bolpen, valid ID at pera.Ilagay sa iyang maayos na lalagyan o bag ang lahat upang walang makalimutan o maiwanan sa araw ng pagsusulit.

3. Beauty sleep. Mahalaga ang kumpletong tulog bago ang araw ng pagsusulit. Mas relax ang isipan at katawan kung hindi ka puyat at makakapag-isip ka ng tama kung nakapagpahinga ka ng sapat. Iwasan din ang pagiisip ng kung anu-ano pa. Pagkaroon ng positibong pananaw para sa darating na pagsusulit. Magdasal para sa Kanyang gabay.


Sa mismong araw ng pagsusulit. 

1.Kumain ng almusal. Madalas ay nakakalimutan natin ang pagkain ng almusal ngunit ito ang pinakamahalaga sa lahat. Isipin mong halos tatlong oras kang sasagot ng mga mahihirap na tanong habang kumukulo ang tiyan mo sa gutom, dahil lamang sa hindi ka kumain ng almusal. Mahirap mag-isip kung gutom. Kumain ng balanseng pagkain. Kaonting ehersisyo sa umaga upang maging masigla.Maligo bago umalis.

2. I-double check ang mga dadalhin sa pagsusulit. Kagaya ng mga kinakailangang dalhin, i-double check ito kung kumpleto, mahirap nang may maiwan kang dokumento.

3. Agahan ang iyong pag-alis upang maaga ring makarating sa venue ng pagsusulit. Ang sarili kong karanasan ukol dito ay maaga talaga akong umalis, ngunit hindi ko inasahan na wala pala akong sasakyan patungo sa venue, dahil araw ng Linggo 'nun. Kaya para makasigurado, maipapayo ko sa inyo na agahan ang inyong pag-alis upang makarating din kaagad sa venue.

Isa pang karanasan ko sa pagiging maaga ay dahil nahanap ko kaagad ang room kung saan ako naka-assigned. Advantage din na pumunta na ako sa venue bago pa ang pagsusulit kasi nalaman ko na ang room number ko. Ang ilan sa mga nadatnan ko 'nun eh hindi magkanda-ugaga sa kakahanap ng kanilang room, nagsisiksikan sa bulletin board kakahanap ng kanilang pangalan. Ang pagsusulit ay magsisimula eksaktong alas-otso ng umaga (8:00am).

Kapag nakita niyo na ang inyong room, hanapin ang inyong pangalan na nakapaskil sa pintuan nito at ang inyong Examinee Number.

4. Maging kumportable sa room. Nasabi ko lamang ang option na ito kasi hindi ako naging kumportable sa room ko 'nun. Tapat ako ng bintana kung saan nasisikatan ng araw. Hindi naman pwede na mamili ng uupuan dahil mayroong seatplan ang inyong proctor, kung saan pipirmahan mo ito at lalagyan mo rin ng iyong larawan at thumbmark. Mabuti na lang at nag-provide sila ng tabing ng bintana.

Kapag nasa room ka na, batiin ang iyong mga kasama. Malay mo magkaroon ka pa ng bagong kaibigan. Iwasan ang labis na paggamit ng mga gadget, o cellphone habang nasa loob ng test room. Kapag magsisimula na ang pagsusulit ay isu-surrender mo rin lahat ng iyong gamit sa iyong proctor. Ang tanging maiiwan lamang ay ang iyong bolpen, lapis at ang iyong test permit. Hindi pinapayagan ang iba pang klase ng papel. Naglakas loob akong nagtanong noon na paano naman ang gagamitin naming scratch paper sa Math problems? Pwede daw sulatan ang questionnaire.

5. Ang pagkain sa loob ng test room. Sa kaso ko, hindi kami pinayagan na kumain habang nagtetest, kaya kung nakabasa ka ng tips sa ibang blog na kumain ng chocolates habang nagtetest dahil nakapagpapatalas ito ng isipan eh depende sa proctor niyo. Totoo naman na nakatutulong ang chocolates pero depende talaga sa proctor kung papayagan kayo na kumain habang nage-exam. Ang maganda, kainin niyo na ito bago pa magsimula ang pagsusulit.

Gumamit na rin ng palikuran bago pa magsimula ang pagsusulit dahil kapag nagsimula na ito, hindi na maaari pang lumabas pa.

Magdasal at humingi ng gabay sa Panginoon bago ang pagsusulit. Iba ang may patnubay ng Maykapal. Pero nasa tao parin ang gawa.

6. Ang nilalaman ng pagsusulit. Ang unang part ang English. Kung nadownload mo ang ipinaskil kong reviewer sa itaas, magkakaroon ka ng ideya kung anu-ano ang mga MAAARING lumabas na tanong sa iyong pagsusulit. Iyon lamang ay gabay lamang at hindi iyon ang aktwal na tanong.

HIndi ito ang aktwal na Answer Sheet
Lapis ang gagamitin mong pang shade ng mga bilog sa iyong Answer Sheet. Multiple choices at pwede kang manghula ng sagot kung gusto mo. Kung magse-shade naman, iwasan ang paglampas sa bilog o kaya ay kulang na shade. I-shade ang kabuuan ng bilog ng mabuti.

Iwasan din ang palingon-lingon habang nagsasagot ng pagsusulit. Baka mapag-isipan ka na nangongopya at madisqualify sa pagsusulit. Magsagot ng tahimik at hindi mayabang. May nakatabi kasi ako 'nun na nagsasalita sa sarili niya, akala niya ay alam niya lahat ng sagot.

Maipapayo ko na kung hindi mo alam ang sagot sa isang item na iyon, huwag kang magdalawang isip na laktawan muna ito at BALIKAN na lamang. Kung gugugol ka ng maraming oras sa iisang item lang, mauubos ang panahon mo ay baka hindi mo pa matapos ang kabuuan ng pagsusulit. Siguraduhing babalikan mo ang mga nilaktawan mong item.
 
Maging kalmado habang nagsasagot. Kung napraktis mo ang iyong sarili habang inoorasan ang pagsasagot, malaman na madali na para sa iyo ang pagsagot. Basahing mabuti ang mga panuto, item at mga salita. Baka sa sobrang pagmamadali mo ay hindi mo na nabasang maige ang panuto ng tanong.

Hindi ko sasabihing i-enjoy mo ang pagsasagot, dahil sino ba namang mageenjoy sa pagsagot ng mga mahihirap na tanong, ang maipapayo ko lang ay intindihing maige ang bawat item. May mga tricky question na obvious na ang answer, basahin mo lang ng maige. Huwag magahol ngunit huwag ding magstay ng matagal sa isang item. Balanse lang. Take note of the time.

Huwag ding magiiwan ng blangko sa iyong Answer Sheet.

Sa parteng Math, ang maipapayo ko ang gumamit ng scratch paper, kasi mas kumportable ako dun at narerebyu ko din kaagad kung may mali sa solve ko. Nakakatawa man pero mas madaling magsolve sa ganitong paraan, kesa mentally kasi dahil oras nga ang kalaban mo dito, may posibilidad na magkamali ang mabilisang pagsolve sa utak, depende na lang kung sanay ka sa pagsolve mentally. Hindi pinapayagan ang paggamit ng calculator.
Sinasabi kong hindi ganun kahirap ang Math, at walang Calculus sa item. Parang mas mahirap pa ang English part. Kung nakapaghanda ka ng maige ay masasagutan mo lahat ng item kahit Math pa. Huwag kang matakot sa Math.
Huwag balewalain ang Philippine Constitution at Code ofConduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA6713) pati rin ang Environment Management and Protection. Kahit hindi ganun karami ang items niya sa pagsusulit eh mahalaga pa rin na masagutan sila ng tama, dagdag iskor din yun.
Pangalawa ako sa huli natapos. Hindi naman paunahan ang exam, basta matapos mo ito sa takdang oras eh okey lang kahit mahuli.

Pagkatapos ng pagsusulit

Ibigay ang iyong questionnaire at answer sheet sa iyong proctor ng maayos at malinis. Huwag kalimutang kunin ang iyong mga isinurrender na gamit.

Take note of your Examinee No. dahil kailangan mo ito sa pagcheck ng iyong score sa paglabas ng resulta kung nakapasa ka ba o hindi.

Magdasal at magpasalamat sa paggabay ng Diyos sa iyo. Mabuti at may malapit na simbahan ang venue ko at nakapagsimba ako kaagad.

Maging positibo. Wala namang mawawala kung maging optimistiko ka minsan, dahil malay mo pumasa ka kahit alam mong puro hula lang ang ginawa mong pagsagot sa pagsusulit.

I-check sa website ng CSC ang mga opisyal na listahan ng pumasa sa pagsusulit. Narito ang listahan ng mga pumasa sa pagsusulit sa kanilang website. Kung pumasa man, binabati kita! Kung hindi ka man pumasa ay huwag kang mawalan ng pag-asa. Maari kang sumubok muli.

========================================================================

Muli, gusto kong ishare sa inyo ang mga ginamit kong reviewers para sa pagsusulit upang makatulong. Maaari ninyong idownload ito. Click the download button. (168.09mb)
http://www.mediafire.com/download/vmt5atddhzz8mz9/Civil%20Service%20Examination%20Reviewers.rar 
**credits to the owner of this reviewers
**hindi po akin ang mga reviewers na ito, nakuha o na-download ko lamang ito sa internet at hindi ko na maalala kung saang site ko ito nakuha

========================================================================

Good luck sa mga kukuha! :)



"To accomplish great things, we must not only act but also dream. Not only plan but also believe."


Civil Service Commission website.




9 comments:

  1. nyahaha namiss mo magblog noh? ang haba ng post mo eh lolz. hindi pa ako nakakapagtry mag exam sa civil service considering malapit lang ang DOST sa amin lolz.

    ReplyDelete
  2. Naaayyy.... ikaw na ang Pro!

    kainis nga eh, two takes nako jan. waley pa rins hmph! lols

    kelan kaya ako ulit sisipagin kumuha ng exam for the third time? XD

    ReplyDelete
  3. Grabe! Ang laking tulong ng blog mo! Kinakabaha po kasi ako eh at napepressure na ko sa buhay ko. Graduating na po kasi ako at kaya ako magsicivil service eh para makapagpulis. yan nalang pag-asa ko dahil hindi ako nakahabol sa napolcom. Salamat. :)

    ReplyDelete
  4. hi! do you have any idea how to retrieve examinee number?coz i forgot mine and i don't know if i passed or not.. please help.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi, if you forgot your examinee number, you can send an email to the office of civil service stating that you lost/forgot your examinee number. or you can manually verify your name if you pass the exam here.

      http://excell.csc.gov.ph/cscweb/exam_results.html

      naalala mo pa ba ang date/batch ng nag exam ka? maaari ka ring tumawag sa opisina/csc branch kung saan ka nag file ng iyong application form.

      Delete
  5. hi tanung q lang ok lang b i laminate ang CoE kc para sana hndi madumhan o kaya ay matupi...para sana may proteksyn ung certfcate.

    ReplyDelete
  6. hi, kung gusto mo sigurong ilaminate ang iyong CoE ay pupwede naman siguro, kaso kasi kapag kumuha ka ng authenticated copy ng iyong CoE ay ipophotocopy ang original na CoE mo para yung isang copy ang iaauthenticate. better siguro ilagay mo nalang sa isang folder para hindi matupi/mabasa/mapunit. :)))

    ReplyDelete
  7. Congrats sa'yo at nakapasa ka sa Civil Service Exam. Thank you sa blog mo, kumpleto at detailed. Lahat ng kailangan kong hanapin about CSE ay nandito na.

    ReplyDelete
  8. I hope po na makatulong saakin to ..btw salamat po

    ReplyDelete

Ang iyong opinyon ay mahalaga. Sabihin at ipahayag ang iyong saloobin. Maaari kang magpadala ng personal na mensahe, ang aking email ay talesfromtheblogzone@gmail.com